Bakit Galit Ang
Mga Tao Sa Bakla?
Unang-una, hindi ko ibig sabihin na galit nga sa bakla
ang lahat ng tao. Isang malaking pagkakamali kung sasaklawin ko ang buong
sangkatauhan sa aking pahayag na iyon. Kaya naman akin lang lilinawin na
maraming galit sa bakla, ngunit hindi lahat, na wala namang pinanghuhugutan ng
galit. Kung sasabihin nga natin, galit lang dahil trip-trip lang.
Nang aking napakinggan ang awit ni Gloc-9 na pinamagatang
Sirena, namangha ako dahil nagawa niyang bigyan ng boses ang mga baklang inaapi
sa ating lipunan. Maliban dito, ang kadalasang umaapi pa ay iyong mga taong
malapit sa kanila o kapamilya nila. Kaya naman gusto kong siyasatin at
pagnilayan kung bakit nga nangyayari ang ganitong bagay, kung bakit nga galit ang
mga tao sa mga bakla.
1.) Naiiba Sila
(sa dimensiyong pangtahanan)
Isang malaking sanhi ng ating galit sa mga bakla ay dahil
naiiba sila. Nakuha nilang sumalungat sa pamantayan o norm ng
lipunan. At ang hirap sa ating mga tao, ‘pag nakakita tayo ng naiiba ay agad
nating pinagtatawanan, kinukutya, o hinuhusgahan. Kaya naman bugbog sarado sa
kanyang tatay ang baklang sumubok magsuot ng saya ng kanyang inay, o maglagay
ng lipistik ng kanyang ate. Hindi naman natin masisi ang tatay, dahil sa
pamantayan nga ng lipunan ay naiiba ang kanyang anak, at gagawin niya ang lahat
upang sumunod ito sa pamantayan, kahit magdamag niyang hampasin ng tubo o
ilunod sa dram ng tubig ang kanyang anak. Sa kabila nito ay lalo lamang niyang
pinalalala ang sitwasiyon dahil sa halip na kausapin o subuking intindihin ang
kanyang anak ay lalo lamang niya itong itinataboy at itinatakwil.
2.) Naiiba Sila
(sa dimensiyong pangbarkada)
Maliban sa tahanan, makararamdam rin ng malaking
diskriminasyon ang mga bakla pagdating sa kanilang mga kinabibilangang
henerasyon. Kung paliliitin pa natin, ito’y magiging sa kinabibilangan nilang “barkada”.
Noong bata pa ang isang bakla, nagtataka ang kanyang mga kalaro kung bakit
ganoon ang kanyang kinikilos. Nagtataka sila kung bakit magaling sa piko at Chinese
garter ang lalaki, at kung bakit siya mahilig maglaro ng lutu-lutuan. Nagtataka
rin sila kung bakit malambot ang kilos nito, at kung bakit ito may kasamang
pagkendeng ng baywang kapag naglalakad o tumatakbo. Pagdating nila sa bahay,
magtatanong sila sa mas nakatatanda kung bakit ganito ang kalaro nila. Dito, sa
tahanan ng mga batang ito, unang ipakikilala ang konsepto ng pagiging bakla at
itatanim sa kanilang mga isipan na hindi ito karaniwan. Kaya naman, sa susunod
na magkita sila ng bakla nilang kaibigan ay tutuksuhin nila ito, aapihin at
ididiskrimina. At dahil bata pa nga ang mga ito, hindi nila tatanungin sa
kanilang sarili kung masama ba ang kanilang ginagawa, ang alam lang nila ay ang
pagsunod sa kung ano ang hinihingi ng lipunan.
3.) Naiiba Sila
(sa dimensiyong pisikal)
Habang tumatanda at nagdadalaga na ang bakla, kanyang
mararamdaman na hindi naaayon sa lipunan ang kanyang kasarian. Kung
kinakailangan niyang magbanyo, magtataka siya dahil panlalaki at pambabae lamang
ang mga palikuran. Walang pambakla. Kung bumibili naman ng damit ang isang
bakla, magtataka rin siya kung bakit panlalaki at pambabae lamang ang mga
estilo ng mga damit. Walang pambakla. Kung siya naman ay gagawa ng account sa
facebook, at pinapili ng kasarian, magtataka siya dahil male at female lamang ang
pagpipilian. Walang bakla. At mararanasan ng bakla sa maraming aspekto ng
kanyang buhay ang ganitong padron. Mararanasan niya ang galit ng mga karaniwang
tao sa pamamagitan ng pagkawala ng kanyang bilang sa lipunan. Malilito rin siya
sa kanyang sarili dahil isa siyang babaeng nakukulong sa loob ng katawan ng isang
lalaki.
4.) Naiiba Sila
(sa dimensiyong pangrelihiyon)
Mula sa Torah (isa sa mga unang limang libro ng bibliya
na ginagamit ng mga Hudyo), binabanggit na hindi maaaring magkaroon ng relasyon
ang parehong lalaki. Isa itong kasalanang mapaparusahan ng kamatayan. Sa mga
Kristiyano, marami ang pagkakaiba sa bawat denominasyon. Ngunit kadalasan ay
ipinagbabawal rin ang pagkakaroon ng relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
Makikita rin ito sa ilang bahagi ng Hinduismo, sa Jainismo, Zoroastriyanismo at Hinduismo. Halos lahat ng pangunahing
relihiyon sa mundo ay kumokondena sa mga relasyong homoseksuwal. Kaya naman
sobrang laki ng galit ng mga tao sa mga baklang kanilang nakikita. Hindi na
isyu sa kanila kung may relasyon nga sa kapwa lalaki ang isang bakla. Kung
bakla ka, malamang ay nagawa mo na ito. Isang napakakitid na heneralisasyon na
wala namang basehan. Kaya naman ang mga bakla ay pinandidirian at
kinasusuklaman kahit wala naman silang ginagawang mali.
Iilan pa lamang ito sa mga dahilan kung bakit galit ang
mga tao sa bakla. Ngunit kung titingnan natin ang mga ito, makikita natin ang kanilang
pagkakapareho. Lahat ng mga dahilan ay nag-uugat sa pagiging naiiba sa karaniwan.
Isa itong magandang punto na maaari nating pagnilayan, dahil hindi lahat ng
naiiba ay natural na masama. Kadalasan nga, sa mga taong naiiba, tulad ng mga
bakla, nagmumula ang mga taong babago sa kasaysayan at sa mundo.
Sa huli, nais ko lamang ipahayag na bago tayo manghusga,
mangkutya o mang-api ng naiiba sa atin, mainam na ilagay natin ang ating sarili
sa kanilang sitwasyon. At kung maisipan mong mangdiskrimina ng bakla, tandaan
mo na dahil sa mga paghihirap na kanilang tinitiis, minsan ay nagiging mas
lalaki pa sa tunay na lalaki ang bakla.
Sirena
By Gloc-9
http://www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw
Koro
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
Unang Berso
Simula pa nang bata pa ako,
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito,
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula,
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot.
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
Unang Berso
Simula pa nang bata pa ako,
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito,
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula,
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot.
Koro
Ikalawang Berso
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
Koro
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
Koro
Ikatlong Berso
Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento